Sunday, October 17, 2010

MAG ISIP

Ayan ka n naman

Lulubog lilitaw

Minsan andyan minsan wala

Nakakahilo nakakaloko



Naisip mo na bang

Minsan naman mag seryoso

Sabihin na kung ano ang gusto

Nang di laging ganito



Ako'y di manghuhula

At lalong di mahilig sa mahika

Ako'y tao na may puso at damdamin

Nasasaktan at dumaraing



Iyo sanang maunawaan

Di lahat ng sandali

Akoy nariyan

Handang tumakbo pag iyong kailangan



Baka dumating ang sandali

Akoy mapagod at mapagal

Kahit anong hanap

Akoy hindi  na mahagilap



Habang maaga iyong isipin

Sa buhay ano ba ang ibig

Ito'y isiping mabuti

Nang sa huli'y di mag sisi





A DAY WITH THE AETAS