minsan sa isang kanto, isang
kuwentuhan aking naringgan…
si juan ang bida
ng umpukan…
sa lahat ng bagay siya'y alang
kasiyahan…
di matapos tapos kanyang
simtimyento…
akala mo pasan nya ang buong mundo…
sa araw araw na ginawa ng Diyos…
puro hinaing at puna sa kapwa ang
kanyang wika…
mababang suweldo, kulang na
benepisyo…
masungit na amo, tambak na trabaho…
tila ba siya'y walang kasiyahan…
sa lahat ng bigay ng Maykapal…
pana'y puwing ng iba ang kanyang nakikita…
tila siya'y alang muta na dapat
mapuna…
minsan nakakalungkot isipin…
may mga taong kagaya ni Juan…
puna at dumi ng iba ang palaging pinupuntirya…
lahat tayo'y di perpekto…
lahat tayo'y nagkakamali…
lahat may kahinaan…
pero sa halip na sarili ang ayusin
at baguhin…
kapalpakan ng paligid ang inuuna pa nya…
naalala ko tuloy ang sabi ng aking
ama…
kung sa bahay at patakaran ko'y di
ka masaya…
sa halip na magreklamo at mamuna
ka…
malaya ka, pumili ng sarili mong
tadhana…
sana'y wag tayong matulad ke Juan…
maging mapagpasalamat….
sa anumang meron ka…
bawat tayo'y mahalaga sa mata ng
ating Ama…
kaya't iwasan mamuna ng iba…
lagi nating tandaan…
mundo'y hindi natin tahanan…
tayo'y manlalakbay lamang…
darating ang oras atin itong iiwan…
sa mga bilang na sandali ng ating
buhay…
gawing pagpapala ang iyong buhay…
dahil sa yong paglisan…
hindi naman kung anung meron ka ang matatandaan…
kundi kung sino at ano ka nung
ikaw ay nabubuhay…
panalanging ko sa lahat ng
makakabasa nito…
magpasalamat at makuntento…
sa biyayang bigay sa yo…
ang buhay ay tiyak at maiikli…
wag itong sayangin…
sa walang kwentang reklamo't
simtimyento…