Saturday, July 10, 2010

NGITI



What a relief it is to see your friendly smile. It is like seeing the smile of God!" - (Gen. 33:10 / New Living Translation)

Malaki ang nagagawa ng isang ngiti“ ng isang munting ngiti. Ito raw ay animo ây ngiting nagmumula sa Diyos.

Ito ang winika ni Jacob sa kapatid na Esau nang sila ây muling magkita pagkatapos ng mahabang panahong di nila pagtatagpo dahil na rin sa sama ng loob ni Esau sa kanyang kapatid na si Jacob.

What a relief it is to see your friendly smile. It is like seeing the smile of God!“ sambit ni Jacob kay Esau sa ngiting ibinigay ng huli.

Matatandaang sumama ang loob ni Esau sa kapatid nang agawan siya ni Jacob ng pagbabasbas ng kanilang amaing si Isaac pagkatapos hainan ang ama ng paboritong ulam nito. Subalit sa paglipas ng panahon, ito ây nilimot na ni Esau at isang munting ngiti ang ganti sa kapatid nang sila ây muling magkita.

Marami ang nagagawa ng isang ngiti. Nakapagtatanggal ito ng pagkamuhi, galit at poot at nagpapalambot ng puso. Kung ngiti ang isusukli sa isang kaaway, sa mga taong walang ibig ay babag o gumawa ng gulo; kung ngiti ang isasagot sa makulit na kliyente o pasaway na ka-trabaho, tiyak na ang galit nila na kanina ây para bagang bulkan na sasabog ay mapapawi na parang binuhusan ng malamig na tubig. Sa iyong munting ngiti sila ây iyong mapapa-ibig.

Ang ngiti ây nakapagpapawi rin ng pagod. Kaya nga ât kung ang sasalubong sa iyong pagdating ay ngiti ni misis kasabay ng pagsabing kumain ka na ba?, tiyak na tanggal agad ang anu mang pagod na nadama sa trabaho sa buong maghapon. Kaya nga mga misis at ginang ng tahanan, wag ipagkait ang munting ngiti sa iyong minamahal. Sa halip na pagbubunganga ang isalubong, ngiti mo ang ibigay.

Ang ngiti ây nakakaalis din ng pagkabagot o pagkayamot lalo na ât kung ang takbo ng buhay mo ây wari bagang parang life“ paulit-ulit, paikot-ikot. Walang sigla at black and white ang kulay. Subalit sa pamamagitan ng isang munting ngiti, buhay mo ây biglang naging ala-Bravia Sony TV, punumpuno ng kulay at 3-Dimensional pa.

Malaking kapakinabangan ang idinudulot ng isang munting ngiti, di lamang sa pinag-uukulan nito kungdi maging sa pinagmumulan nito. Mas lalong bumabata ang ating aura at pakiramdam kapag sa labi nati ây lagi ng may nakalaan na ngiti. Kaya ât iwasang sumimangot dahil magmumukha tayong pasas o pinatuyong duhat na kahiman si Leonardo da Vinci ay mahihirapang ikaw ay iguhit.

Kaya nga, mga kasama, kaibigan at mga kababayan ko, munting ngiti ay wag ipagmaramot pagkat dulot nito ây ibayong sigla at pag-asa sa sinumang makatatanggap nito. At kung ikaw naman ang tinatapunan ng ngiti, wag ng mag-inarte at mag-playing hard-to-get dahil di naman bagay. Di naman ikaw si John Lloyd Cruz o si Sarah Geronimo para magpa-kyut pa.

Gayundin kung tayo ây ngingiti, sikaping ito ây bukal at mula sa puso, at wag ngiting-aso na kulang na lang na ika ây sakmalin.

Ngiti na ate, ngiti na kuya. Wag mahiya. Kahiman bungi at tapyas-tapyas pa ang iyong ipen, ngumiti ka ng pagkatamis-tamis at di na nila mapapansin ang ga-palakol na hugis nito at ang tinga na nakasabit pa sa iyong ipen.

Paka-isipin na sa isang munting ngiti, ibayong kasiyahan at kapayapaan ang hatid nito, pagka ât ngiti mo ây animo'y nagmumula sa Diyos.

A DAY WITH THE AETAS