Monday, July 12, 2010
HE WATCHES ME….
Every day as I pass by at Corniche going home, these little birds often catch my attention. It is not because they comes in flock especially during winter season. But they always reminded me of God's faithfulness and God's ability to supply all our needs.
In my devotion today God also reminded me in Matthew 10:16-31 " Do not fear therefore; you are more value than many sparrows. " Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they? Who of you by worrying can add a single hour to his life? (Matthew 6:25-27).
As human being we worry too much. We worry about the things which are not yet to come. We worry what to eat, what to wear, where to go and what we will do. And yet we ignore the simplicity of life God planned for us.
I honestly say that I fall into these traps. Lately I'm worrying too much. I'm financially struggling. My demand is too high and yet my supply is too low. But God is really faithful and true to His promise. He will supply all our needs according to His riches and glory. He often uses circumstances to show His power and people as His channel of blessing to us.
If God gives food and shelter to theses little creatures, how much more us His children will not experience the bountiful blessings that comes from Him.
Don’t neglect the little things in life, for from that little things comes the bigger blessings of God.
Have a blessed Monday to all and may God bless us abundantly.
Excess baggage
Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders and the sin that so easily entangles, and let us run with perseverance the race marked out for us." (Hebrews 12:1)
Sakit na yata ng karamihan sa ating mga Pinoy na kapag nagbabakasyon ang magdala ng pagkarami-raming bagahe na halos di na magkanda-ugaga sa pagbitbit. May pasan-pasan na sa likuran, may nakasublit pang pagkabigat-bigat sa balikat habang hatak-hatak ng kaliwang kamay ang pagkalaki-laking maleta at sa kanang kamay naman ay hawak-hawak ang isang shopping bag na nag-uumapaw ng iba’t ibang pasalubong na sabon, tsokolate ât de-lata.
Laging nag-e-excess baggage. 20 kilos lang ang allowed, magdadala ng trenta kilos. At kung 30 kilos naman, kuwarenta o higit pa ang bibitbitin. Ipag-pray mo naman yung bagahe ko na makapasok ang hihilingin pa syo. Ano? Dinamay ka pa sa kanyang krimen.
Ito ây tipikal na larawan ng isang sabik na sabik ng umuwi na walang nais kungdi ang mapasaya ang mahal sa buhay kung kaya’t bibitbitin ang anu mang makakayang dalhin na parang walang anuman, at diretsong lalakad na animo ây pagkagaan-gaan ng mga dalahin.
Ganito ring maihahambing ang karamihan sa atin kung pag-uusapan ang buhay-espirituwal. Napakarami nating bitbit-bitbit na di naman lubos na kailangan. Nahihirapan na, lugmok na, lupasay na subalit tuloy pa rin sa pagdala nito. Di mabitaw-bitawan ang anu mang hawak-hawak natin.
Ang sabi sa Hebrews 12:1 na ating pinagbubulay- bulayan, Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders (us) and the sin that so easily entangles, and let us run with perseverance the race marked out for us.
Itapon daw natin. Iwanan ang mga bagay na humahadlang sa ating paglago bilang anak Niya. Mga kasalanang parang alugbating lagi na lamang nakapulupot sa atin. Bisyo, masamang ugali, katamaran, pagwawalang- bahala, poot, galit, pagiging materyalismo, maramdamin, at kung anu-ano pa. Upang sa gayo’y makakatakbo tayo ng buong inam at mararating natin ang finish line.
Wag nating panghinayangang itapon ang mga di naman kapaki-pakinabang sa ating buhay-espirituwal. Iwanan na ang mga ito. Itapon. Pagkat nagiging sagabal lamang sa ating paglakad o pagtakbo bilang Kristiyano. At kung ito'y ating itatapon, wag ng babalikan pa. Sirain na ng tuluyan. Wag lang basta iwanan baka mapulot pa ng iba, o kaya'y mabalikan mo pa.
Anu-ano ang mga excess baggages na dala-dala natin ngayon?
Wag panghinayangang ito'y iwanan. Mas higit na gantimpala ang kapalit nito na ating tatanggapin kung tayo'y tatalima lamang at susunod ng buong puso

Subscribe to:
Posts (Atom)
Pages |
Search This Blog |