Wednesday, February 23, 2011

SA AKING MULING PAGLISAN

As am checking some draft papers inside my bag I found this poem that I  had been written before my plane depart from Changi (Singapore  Airport going back to Dubai one month ago. Tears of sadness had been my companion while writing this poem and those who are working abroad understand how I felt.


Tigatik ng ulan
Ay sumasabay
Sa puso kong nalulumbay

Dalawang taon ng aking huling nilisan
Bayan kong sinilangan
At sa aking muling pagbabalik
Kasiyahan muling naramdaman

Ngunit sa paglipas ng dalawampu't isang araw
Muling akong lilisan
Upang bumalik sa bansang aking pinaglilingkuran

Magulang,kapatid, kaibigan, mahal sa buhay
Ay muling iiwan
At di tiyak kung kailan muling masisilayan

Ako sana'y inyong maintindihan
Sa aking muling paglisan
Masakit din sa akin na kayo'y muling iwan

Panahon din ay darating
Na tayo'y di na magkakawalay
Di na kaylangang mag dusa't masaktan

Dalangin ko sa Maykapal
Na kayo'y Kanyang gabayan
Sa mga panahong tayo'y magkawalay

Bigyan ng tatag at tapang
Upang malabanan ang ating mga kalungkutan



Singapore Airlines
1:00pm
30-Jan-2011


A DAY WITH THE AETAS