Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders and the sin that so easily entangles, and let us run with perseverance the race marked out for us." (Hebrews 12:1)
Sakit na yata ng karamihan sa ating mga Pinoy na kapag nagbabakasyon ang magdala ng pagkarami-raming bagahe na halos di na magkanda-ugaga sa pagbitbit. May pasan-pasan na sa likuran, may nakasublit pang pagkabigat-bigat sa balikat habang hatak-hatak ng kaliwang kamay ang pagkalaki-laking maleta at sa kanang kamay naman ay hawak-hawak ang isang shopping bag na nag-uumapaw ng iba’t ibang pasalubong na sabon, tsokolate ât de-lata.
Laging nag-e-excess baggage. 20 kilos lang ang allowed, magdadala ng trenta kilos. At kung 30 kilos naman, kuwarenta o higit pa ang bibitbitin. Ipag-pray mo naman yung bagahe ko na makapasok ang hihilingin pa syo. Ano? Dinamay ka pa sa kanyang krimen.
Ito ây tipikal na larawan ng isang sabik na sabik ng umuwi na walang nais kungdi ang mapasaya ang mahal sa buhay kung kaya’t bibitbitin ang anu mang makakayang dalhin na parang walang anuman, at diretsong lalakad na animo ây pagkagaan-gaan ng mga dalahin.
Ganito ring maihahambing ang karamihan sa atin kung pag-uusapan ang buhay-espirituwal. Napakarami nating bitbit-bitbit na di naman lubos na kailangan. Nahihirapan na, lugmok na, lupasay na subalit tuloy pa rin sa pagdala nito. Di mabitaw-bitawan ang anu mang hawak-hawak natin.
Ang sabi sa Hebrews 12:1 na ating pinagbubulay- bulayan, Therefore, since we are surrounded by such a great cloud of witnesses, let us throw off everything that hinders (us) and the sin that so easily entangles, and let us run with perseverance the race marked out for us.
Itapon daw natin. Iwanan ang mga bagay na humahadlang sa ating paglago bilang anak Niya. Mga kasalanang parang alugbating lagi na lamang nakapulupot sa atin. Bisyo, masamang ugali, katamaran, pagwawalang- bahala, poot, galit, pagiging materyalismo, maramdamin, at kung anu-ano pa. Upang sa gayo’y makakatakbo tayo ng buong inam at mararating natin ang finish line.
Wag nating panghinayangang itapon ang mga di naman kapaki-pakinabang sa ating buhay-espirituwal. Iwanan na ang mga ito. Itapon. Pagkat nagiging sagabal lamang sa ating paglakad o pagtakbo bilang Kristiyano. At kung ito'y ating itatapon, wag ng babalikan pa. Sirain na ng tuluyan. Wag lang basta iwanan baka mapulot pa ng iba, o kaya'y mabalikan mo pa.
Anu-ano ang mga excess baggages na dala-dala natin ngayon?
Wag panghinayangang ito'y iwanan. Mas higit na gantimpala ang kapalit nito na ating tatanggapin kung tayo'y tatalima lamang at susunod ng buong puso
No comments:
Post a Comment