Sunday, July 11, 2010
Totoo ba ito?
Be self-controlled and alert. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour." (1 Peter 5:8)
Sa larangan ng pagpapanggap, wala ng makahihigit pa kay Satan. Mula pa sa hardin ng Eden , magpahanggang ngayon, ito na ang kanyang palaging gawi. Siya ây dalubhasa ng maituturing sa larangang ito.
Nang tuksuhin niya si Eba siya ây nagpanggap bilang ahas, ang pinaka-tusong hayop na nilikha ng Diyos, kung kaya ât ito ang naisipang niyang gayahin na akmang-akma naman sa kanyang personalidad.
Totoo ba? ang siyang una niyang banat. Sinabi nga ba talaga ng Diyos na huwag mong kakanin ang anu mang bunga ng punung-kahoy sa hardin? (Genesis 3:1)
Hmmm¦. di naman lahat, ang sagot naman nitong babae. Puwede naman naming kanin kahit anong bunga sa hardin, wag lang daw yong bunga ng punung-kahoy na nasa gitna ng hardin, at wag daw naming hihipuin, kungdi kami ây mamamatay.
Hindi totoo yan, ang siyang kontra ni Satan sa tinurang iyon ng babae.
At alam natin ang kinahantungan ng kuwento. Ang pobreng babae ây nagpaloko sa numerong unong pretender to the throne kung kaya ât pati na ang kanyang partner in life na si Adan ay nadawit dahil nagpaloko rin sa tusong ahas. And the rest is history “ sin befell unto all man.
Ito ang kadalasang istratehiya ni Satan kapag ika ây kanyang tutuksuhin. Totoo ba? - yan ang isasaksak niya sa iyong isipan at ipagduduldulan. At kung ikaw nama ây wala ring bait na sarili kumbaga, at di ka na nag-iisip dahil ayaw mong mag-isip, tiyak sa bitag niya ang iyong bagsak.
Kung ating babalikan ang panahong tayo ây nagkasala ât natukso, kung ating ire-rewind ang eksenang iyon sa ating buhay, mapagtatanto natin na ang dahilan ng ating pagkakasala ay dahil naniwala tayo sa buyo ni Satan. Totoo ba? “ yan ang tinanong niya sa iyo, at ikaw nama ây naniwala agad. Mas pinaniwalaan mo ang pagdududa na inilagay ni Satan sa iyong kukote kaysa manangan sa katotohanan ng Kanyang Salita.
Sabi nga, walang maloloko kung walang magpapaloko.
Pakatandaan lagi, ang pagdududa (or doubt) ay di galing sa Diyos, lalo higit kung ito ây pagdududa sa Kanyang Salita at sa Kanyang mga pangako ât tagubilin.
Paka-ingat pagka ât hanggang ngayon, si Satan ay nagpapanggap pa rin. Hindi na isang ahas, kungdi animo ây leong umaatungal at paligi-ligid, paikot-ikot at naghahanap ng kanyang masisila.
"Be self-controlled and alert. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour." (1 Peter 5:8)
Nagpapanggap siyang leon bagama ât siya ây isang kuting lamang. Matatakot ka ba sa isang kuting na nagpapanggap na leon ? O sa tunay na Leon “ the Lion of Judah“ na walang iba kungdi ang ating Panginoon?
Sa susunod na isipan mo ây magkaroon ng pagdududa sa Diyos, sa Kanyang Salita, sa Kanyang gawa, mga pangako ât tagubilin, at ang tanong mo ây totoo ba?, paka-limiin palagi baka kaharap mo ây leon na at akmang ika ây sisilain.
Huwag magpaka-siguro. Maging listo at palagiang magbantay, pagka't ang kalaba'y nasa tabi-tabi lamang, umaatungal, humahanap ng kanyang masisila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Pages |
Search This Blog |
No comments:
Post a Comment