series on Family Matters (702dzas/www.febc.ph)
with Ptr. Willie Basilio
A-yon sa panukala ng Dios Ama ang hanaping daan tungo sa pagpapamilya.
‘B-ahala na’/’Baka sakali’ pa – ‘di dapat pairalin, kailangang siguraduhin ang lahat ng bagay at lagay.
K-ristiyano-sa-Kristiyano ang dapat pagpa-partner – ‘di dapat baliin ang prinsipyong ito.
‘D-i papalit-palit ng nobyo o nobya; ‘di palikero o palikera; ‘di agad nagsasawa; at ‘di sabay-sabay, ha? Gets mo?
E-dad at ugali ay magka-antabay – ‘di bata pero ‘di rin matanda; ‘di malayong agwat, para talagang bagay.
G-ugulin/gastusin hindi pinanggigilan – ok nasteward, marunong sa pera at pag-kita.
H-anapbuhay meron nab a? Tamad ba? Mapili ba? Abilities and skills, limitado ba? Aba eh, magisip-isip ka!
I-ndependent sa magulang o kaninuman; ‘di mama’s boy o papa’s girl.
L-aman lagi ng simbahan, hindi ng lansangan – may church involvement, kaysa sa istambay.
M-alinis na lifestyle – walang bisyo o anumang uri ng addiction; may self-control, disiplinado sa katawan at kaisipan.
N-akikilala at tinatanggap ang sarili – strengths and weaknesses; skills and abilities; wisdom; & emotional stability.
NGA-wa, ngak-ngak sa malusog at tamang pamamaraan, now na ang pagsasanay.
O-ks ang outlook sa buhay – ‘di bugnutin; ‘di reklamador; matapang sa pagharap sa hamon ng buhay.
P-amilya ko, mahal ko. So, sa pagpa-pamilya prioridad ka.
R-esponsible ako sa sarili, sa iba at sa Dios - may pagkukusa, maaasahan at mapagkakatiwalaan.
S-ex is divine – sa tamang konteksto, kaalaman at pamamaraan. No PDA/PMS… Maghintay!
T-odo na ‘to. Pag-ibig mo sa Lord at sa nobyo(-a)/asawa; walang iwanan, ‘di dapat magka-sawaan.
U-uguy-ugoy at kukuya-kuyakoy iwasan, kundi’y uuga-uga din ang paga-asawa.
W-an-Tu-Tri, ar yu redi? ‘Wag magbaka-sakali; ‘pag napakasal na ‘di na maisosoli.
Y-akap sa tama, totoo at tapat. Tandaang may nadadamay lagi sa iyong aksiyon at desisyon
No comments:
Post a Comment