Ang ulan parang buhay ng tao madalas tinatakbuhan natin, tnatakasan para hindi tayo mabasa at magkasakit pero minsan huli na para tayo tumakbo at humanap ng masisilungan. Sa buhay ko madami ng pagkakataon na tumakbo ako. Mga tao at panahon na pilit kong tinakbuhan at tinaguan, bakit nga ba? Dahil ba sa takot ako na harapin ang sakit? Takot akong tanggapin na wala na yung dating kinasayanan ko na. Takot akong harapin uli ang umaga na mag isa. O dahil ayaw kong makita ng iba na mahina ako, duwag at takot, kung kayat tinatago ko at sinasarili ko na lamang ang nararamdaman ko? Tinatago ko ang lahat ng luha at pinipilit na maging masaya sa harap ng iba.
Pero kagaya ng pagpatak ng ulan maari naman tayong wag mabasa kung palagi lang natin itong paghahandaan. Payong o kapote lang naman ang katapat ng ulan. Payong na pananggalang sa buhos ng ulan at kapote laban sa lakas ng hangin.
Sa buhay natin may isang Panginoon na syang magiging payong at kapote natin. Siya ang sanggalang natin sa mga bagyo ng buhay natin. Siya ang matatag nating moog na kublihan sa mga panahon ng pagsubok, panahon ng kalungkutan at sandalan sa oras ng pag iiisa at karamdaman. Sya ang kapote na yayakap sa atin at mag bibigay init sa mga panahon ng panlalamig at kaagapay natin sa kahit na anung baha na susuungin natin. Sya lang di tayo iiwang mag isa. Na sa bawat patak ng ulan at ihip ng hangin kasama natin Syang lalakad kahit na gaano pa kataas ang baha.
At sa bawat pagpatak ng ulan, sa bawat hampas ng hangin at sa bawat baha sa bandang huli may magandang araw na naghihintay pa din sa atin. Ganyan lang naman ang buhay hindi naman batayan kung gaaano ka katapang kundi kung paano ka tumayo at magpatuloy uli pagkatapos ng unos ng buhay……
No comments:
Post a Comment