Tuesday, January 6, 2015

si juan di makuntento….

minsan sa isang kanto, isang kuwentuhan aking naringgan…

si juan ang  bida  ng umpukan…

sa lahat ng bagay siya'y alang kasiyahan…

di matapos tapos kanyang simtimyento…
akala mo pasan nya ang buong mundo…

sa araw araw na ginawa ng Diyos…
puro hinaing at puna sa kapwa ang kanyang wika…

mababang suweldo, kulang na benepisyo…
masungit na amo, tambak na trabaho…

tila ba siya'y walang kasiyahan…
sa lahat ng bigay ng Maykapal…

pana'y puwing  ng iba ang kanyang nakikita…
tila siya'y alang muta na dapat mapuna…

 minsan nakakalungkot isipin…
may mga taong kagaya ni Juan…

puna at dumi ng iba  ang palaging pinupuntirya…

lahat tayo'y di perpekto…
lahat tayo'y nagkakamali…

lahat may kahinaan…
pero sa halip na sarili ang ayusin at  baguhin…

kapalpakan ng paligid ang inuuna pa nya…

 naalala ko tuloy ang sabi ng aking ama…
kung sa bahay at patakaran ko'y di ka masaya…

sa halip na magreklamo at mamuna ka…
malaya ka, pumili ng sarili mong tadhana…

sana'y wag tayong matulad ke Juan…

maging mapagpasalamat….
sa anumang meron ka…

bawat tayo'y mahalaga sa mata ng ating Ama…
kaya't iwasan mamuna ng iba…

lagi nating tandaan…
mundo'y hindi natin tahanan…
tayo'y manlalakbay lamang…

darating ang oras atin itong iiwan…

 sa mga bilang na sandali ng ating buhay…
gawing pagpapala ang iyong buhay…
dahil sa yong paglisan…

hindi naman kung anung meron ka  ang matatandaan…

kundi kung sino at ano ka nung ikaw ay nabubuhay…
 
panalanging ko sa lahat ng makakabasa nito…
magpasalamat at makuntento…

sa biyayang bigay sa yo…
ang buhay ay tiyak at maiikli…

wag  itong sayangin…
sa walang kwentang reklamo't simtimyento…


No comments:

A DAY WITH THE AETAS